PAMBANSANG AWIT
Mamamayan ng Hungaria, tumindig!
Oras ito ng paglaban!
Maging malaya o maging alipin? Ang tugon: walang pagaalinlangan!
Diyos ng mamayan ng Hungaria,
Kami’y nangangako,
Wala, walang mananatiling
Bilanggo!
Kay tagal na naming nakapiit,
Simula sa mga ninuno minsang malaya,
Hindi makahiga sa mapang-alipustang lupa
Na pugad ng sigalot.
Diyos ng mamayan ng Hungaria,
Kami’y nangangako,
Wala, walang mananatiling
Bilanggo!
Busabos ang taong hindi matapang
At duwag na pumili ng kaniyang libingan,
Nang buhay niya’y kinailangan,
Tumanggi siyang ibigay.
Diyos ng mamayan ng Hungaria,
Kami’y nangangako,
Wala, walang mananatiling
Bilanggo!
Mas maningning ang tabak kaysa tanikala,
Hindi na muli kami magsusuot nito!
Hugutin ang antigong tabak,
Sa ngalan ng Panginoon!
Diyos ng mamayan ng Hungaria,
Kami’y nangangako,
Wala, walang mananatiling
Bilanggo!
Babangon muli ang pangalan ng Hungaria,
Muli kang kikinang;
Tapos na ang mga siglo ng sisihan!
Iwawaksi ang huwad na kahihiyan!
Diyos ng mamayan ng Hungaria,
Kami’y nangangako,
Wala, walang mananatiling
Bilanggo!